PAHAMAK
Papunta ako sa isang reunion sa Calamba, Laguna kahapon. Sa Alviar’s resort.
Pagababa ko ng bus galing Alabang, nag-abang ako ng jeep papuntang Alviar’s. Medyo mahirap sumakay dahil maraming nag-a-outing. Tsaka gabi na rin yon eh. Pagkatapos ng mga 5 minutong pag-aabang, na-realize ko na asa “no loading/unloading” area pala ako (kaya pala walang pumapara). Kaya ayun, naglakad ako papunta dun sa “loading/unloading” area. Habang nagalalakad ako, may jeep na dumaan sa tabi ko. Mabagal siya, isa lang ang pasahero sa harapan. Pinara ko. Hindi siya makahinto dahil bawal nga magsakay, kaya nagpabagal na lang siya para makasampa kaagad ako.
Pagkasakay na pagkasakay ko, pinara kami ng pulis. Hinihingi yung lisensya nung driver. Kamot ng ulo ang driver, kasi kasalanan nga naman niya. Habang nagmamaka-awa yung driver sa pulis na wag kunin yung lisensya niya tinanong ako nung katabi ko kung saan ako bababa. Sabi ko sa Bagong Kalsada lang ako. Sabi niya hindi daw dadaan don, dahil papasok yung jeep sa Calamba.
Biglang uminit ang pakiramdam ko. Parang andaming nakatingin.
Nagmadali akong bumaba kasi iniiwasan ko na murahin ako ng driver…
True enough, habang humahakbang na ko pababa, narinig ko na lang na “Puta napahamak pa ko dahil sayo, mali naman pala nasakyan mo!”
Shet. Kakahiya…..