PAHAMAK
Blog, blogger, bloggest...bloggestestestest!
PAHAMAK
MR. ENCARNACION
KALABAW: (cell phone) “Pare, gusto mo ng free tickets sa PBA?”
DELICIOUS: “Sure!”
KALABAW: “Eto kausapin mo si Gelpren.”
GELPREN: “Hello Delicious. Kunin mo yung tickets sa Sta. Lucia East, 3rd Floor, old building. Dun sa office ni Mr. Encarnacion. Six tickets yun. Sabihin mo na lang sa guard, ako yung nagpapakuha, for Gatorade kamo.”
DELICIOUS: “Okay tengks.”
Kaya ayun, pumunta ako ng Sta. Lucia East para kunin yung tickets. Simpleng-simple lang ang gagawin ko para makuha ang tickets:
1) Pumunta ng Old building.
2) Akyat sa 3rd floor.
3) Hanapin ang office ni Mr. Encarnacion.
4) Kunin sa GWARD ang tickets.
Dumating na ko sa old building. Sunday plus Mall, equals maraming tao. Umakyat ako ng third floor. Puro sinehan pala yun. Hindi ko nakita ang office ni Mr. Encarnacion kaya naghanap ako ng gward para magtanong. Ikot ako. Wala akong makitang gward, puro takilyera lang. Bumaba na lang ako ulit sa ground floor para pumunta sa “information” at dun ako magtatanong. Wala, hindi ko makita ang “information”. Naghanap na lang ako ng gward. Punta ko sa isang entrance. May dalawang gward. Kinausap ko yung isa.
DELICIOUS: “Bosing, san po ba dito yung office ni Mr. Encarnacion?”
GWARD: “Pasensya na ser, bago pa lang ako dito. Hindi ko po alam eh.”
DELICIOUS: “Ok, salamat na lang.” (wala kang kwentang gward)
Hanap ulit ako ng mapagtatanungan na gward. Napadpad ako sa kabilang entrance. May dalawang gward, isang lalaking gward, tsaka isang babaeng gward. Una kong kinausap yung babaeng gward.
DELICIOUS: “Excuse me, pwede magtanong? San ba dito yung office ni Mr. Encarnacion?”
BABAENG GWARD: ……(walang nasabi kasi hindi niya alam, kaya tumingin na lang siya sa lalakeng gward)
LALAKENG GWARD: (kampante ang dating ng mukha dahil alam nya) “Mr. Encarnacion ba kamo sir?”
DELICIOUS: “Oo, dun sa office ni Mr. Encarnacion. Kukuha ho kasi ako ng PBA tickets. Sabi kasi sa akin sa 3rd floor ng old building daw eh. Pero hindi ko mahanap dahil puro sinehan dun.”
LALAKENG GWARD: “Old building? Hindi ho dun yon. Pumunta po kayo ng new building.”
DELICIOUS: “Ha? Ganun ba? O sige, saan ba mismo sa new building?”
LALAKENG GWARD: “Akyat ho kayo ng second floor tapos tawid kayo ng bridge way. Tapos pagdating niyo ng new building, baba kayo ng ground floor. Labas kayo sa exit. Hanapin niyo yung medical city. Pag nakita niyo yung medical city, andun sa tabi non.”
DELICIOUS: “Okay salamat.”
Puta malayo yung sinasabi niya na yun, mga 10 minutes na lakad yun. Pero walang magagawa eh. Kaya lakad ako, akyat ng second floor…bridge way….new building….ground floor.
Pagdating ko sa ground floor, lumabas ako sa exit. Pagkalabas na pagkalabas ko nakita ko na yung sign ng medical city. Tumingin ako sa kanan sa tabi ng medical city, tapos napamura na lang ako.
Nakalagay sa sign, isang malaking JUN L. ENCARNACION. Pawawngk-wawngk!
Fukinangina talaga o. Pag nagtanong ka nga naman sa tanga…Anong bang kinalaman ni Jun Encarnacion sa tickets ng PBA? Naknampotah, gusto ko ipapatay yung gward na bwakananginang yun. Pinagod lang ako amputa.
Anyway, wala akong magawa kundi bumalik sa old building at magtanong ulit. Nakuha ko na rin yung tickets pagkatapos ko magtanong sa huling gward.
Pero tangna, ipapapatay ko yung gward na yon!
GOODMINTON
Usong-uso na talaga ang badminton! Sandamukal na badminton courts na ang nagtayuan. Bakit nga ba marami na ang gustong mag-badminton, eh dati naman hindi natin pinapansin yang mga raketa na yan na nakatiwangwang sa bodega natin. Ang mga tsimini-angels lang naman natin ang naglalaro ng badminton eh. Makikita mo na lang sa kalsada sa tapat ng bahay tuwing hapon andun sila, nagba-badminton. Chipipoy raketa lang ang meron non, yung tipo bang bente pesos may isang pares ka na na raketa, may libre pang tatlong shuttlecock. Sa palengke nga yata nakakabili non eh. Meron din yata sa national bookstore. Yung mga raketa na yon, yung tipong pag napalakas ang hataw mo, lulundo na ang "gut" sa sobrang lambot ng material. Naaalala ko pa nga nung bata pa ko pag nasira na yung raketa, hala eh di ginagawa ko na lang gitara-gitarahan o kaya baril-barilan. Multi-purpose diba? Pero ngayon kung anu-anong tatak na ng raketa ang meron. Yung mga mamahalin eh yung tipong Yonex, Prince, Wilson, etc. Yun yung mga alangyang napakamahal, umaabot ng lima hanggang walong libo isang raketa non. Gago ba sila? Pero meron namang mga tatlong daan hanggang limangdaang pisotas na katulad ng tatak na Gosen at Carlton. Yun ang bilhin mo kapag hindi mo ka-career-in ang badminton. Pero kung mala-tsimini-angels na caliber ka lang at sa kalye ka lang maglalaro, eh pwede na yung tsimini-angel-raketa. 100 plus yata yung isang pares.
Pero bakit nga ba marami nang nagbabadminton? Dahil nakaka-payat daw. Tama, dahil cardio exercise yan eh. Pero marami namang cardio exercises diba? Oo nga marami, tulad ng jogging, swimming, aerobics, taebo, at biking. Bakit hindi na lang jogging? Ang jogging hindi maganda sa mga super overweight dahil sa sobrang bigat ng katawan nila, natatagtag ang mga tuhod nila. Sa tuhod kasi napupunta ang pressure ng weight ng upper body mo against sa pagbagsak ng paa mo sa matigas na semento. Ang tendency mo ay magkaroon ng tendonitis o pagtubig ng tuhod na sinasabi nila. Isipin mo na lang na nakahiga ka sa sahig tapos babagsakan ka ng isang sako ng bigas. Ganun ang nararamdaman ng tuhod. Kawawang tuhod. Mas advisable ang brisk walking. Oo nga pero hindi walking na parang lakad luneta. Ang problema lang dito sa jogging at brisk walking eh boring. Lalo na kapag mag-isa ka. Kung may kasama ka naman, mahirap makipag-kwentuhan habang hinihingal. Pero depende pa rin sa tao kung gusto nila.
Eh bakit hindi na lang mag swimming? Swimming para sa akin ang pinaka-magandang cardio exercise sa lahat. Hindi natatagtag ang tuhod, mas maraming muscles ang nagagamit, at dahil sa pressure ng tubig against your chest, mas lumalakas ang resistensya mo. Eh kaso ang problema, hindi ako magaling lumangoy. Marunong pero hindi magaling. Yung iba ang requirement mga 50 laps. Ako isang lap lang patay na ko. Mahina resistensya ko sa tubig. Pang lupa lang talaga ako. Wala akong lahing syokoy na parang si boy gulay at lavandera fields. Magaling lumangoy yung dalawang yon.
Aerobics at taebo maganda rin kaso kung parehong kaliwa naman ang paa mo, kulelat ka. Para kang tangang paikot-ikot dun sa dance floor. Pero kung magaling kang sumayaw sumunod sa indak ng panahon, kasabay ng ating mga tugtugin ngayon, eh pwede ito. Kaso may kamahalan lang ang bayad.
Biking naman eh, kung hindi ka marunong magbisikleta wala ka na. Kung wala kang bike, wala ka na rin. Pero ang maganda dito ay kung saan-saan ka makaka-abot. Makakapamasyal ka. Pero wag ka sa edsa magbike ha. Bukod sa madali kang masagi ng mga bus, eh lintek ang masisinghot mong usok don. Pag-uwi mo sa bahay, kulay itim ang kulangot mo.
Ang kagandahan ng badminton eh, masaya. Competition eh. Dahil sa gusto mong manalo at pataasin ang score nyong magkakampi, mas hahapitin mo ang laro mo. Mas gagalingan mo. Sino ba naman ang gustong matalo? Sa madaling salita, hindi mo namamalayang napapagod ka dahil NAGLALARO ka. Nalilibang ka. Nag-eenjoy ka sa exercise mo. Habang naghahapit ka sa laro eh dahan dahang natutunaw ang mga taba sa katawan mo. Hindi mo napapansin yon. Sa katunayan nga kapag doubles ang laro nyo, dapat 2-3 oras ang allotted time. Kapag isang oras lang eh bitin. Ang isa pang maganda sa badminton ay kapag natatalo ka na. Kunyari tambak na ang team nyo at sa tingin mo hindi na kayo makakahabol, pwede mong hatawin ng malakas ang shuttlecock at patamaan mo sa mukha yung kalaban nyo. Ganun lang ha, wag hahatawin ng raketa ang kalaban. Bawal yon, halatang pikon ka. Maganda rin pang-alis ng tension at galit ang badminton. Isipin mo na lang na ang kaaway mo ang shuttlecock. Mas galit ka, mas malakas ang hataw mo, mas competitive.
Kaya ko nga pala naisipang magsulat tungkol sa badminton eh dahil naglaro ako ng badminton kahapon kasama ko ang dalawa kong nakababatang kaibigan. Itago na lang natin sila sa mga pangalang Mr FHM at DP (for Dipolog Princess). Niyaya kasi ako ni DP maglaro kasama si Mr. FHM dahil gusto daw nilang magpa-payat. Sabi ko “Why not peklat”. Matagal na rin akong hindi nakakapag-badminton eh. Huling laro ko ng badminton ay nung may gelpren pa ako. Tinutulungan ko kasi syang pumayat eh. Last year pa yon. Anyway sinundo ko si DP sa condo niya tapos naglakad na lang kami papuntang badmintunan. Sa may pioneer yon sa mandaluyong. Male-late daw si Mr. FHM kaya kaming dalawa na lang muna ang naglaro. Malakas ang hataw ni DP, may potensyal. Medyo kulang lang sa backhand pero masasanay din yon sa kakalaro. Siya lang ang una kong nakalaro na babae na nakita kong madaling mag-improve dahil may galaw din sya, marunong tumakbo. Yung iba kasing nakalaro ko eh parang ENT gumalaw, napaka-bagal at napaka-kupad. Kapag pinapunta mo sa malayo at hindi niya abot, magrereklamo. “Eh pano ka papayat?” Aba eh kumain at matulog ka na lang kung ayaw mong gumalaw. Baka pumayat ka pa don. Basta may potensyal si DP, medyo nahihiya pa nga lang ng konti dahil iniisip niyang hindi daw siya marunong. Pero konting training lang don ng seryoso eh pwede nang isali sa tournament. Pagkatapos ng 45 min dumating si Mr. FHM, sumali na sa amin. Magaling din maglaro si Mr. FHM. Malakas din humataw, kaso yun nga medyo malaki na ang tiyan kaya medyo nahihirapan tumakbo. Panay kasi ang inom eh. Marunong na rin siya maglaro dahil matagal na ata siya naglalaro ng badminton. Nag-singles muna kami ni Mr. FHM para makapag-warm up na rin siya tsaka para makapag-pahinga daw si DP. Siyempre nanalo ako, ako bida dito sa blog na to eh. Hehe. Tapos nag-doubles kami na silang dalawa ang magkakampi tapos ako mag-isa. Labo no? Eh tatlo lang kasi kami eh. Para tuloy ako si Smeagol. Maganda ang laro, napagod ako, sobrang pawis. Sila din pagod. Siyempre panalo ulit ako, bida ako eh. Hehe. Tapos pahinga naman. Tapos laro nanaman. Nung malapit na matapos ang laro umayaw na si DP dahil pagod na daw siya kaya nag singles na lang kami ni Mr. FHM. Pagod na rin ako non pero sinulit ko ang laro, humapit ako. Championship performance kahit hingal na hingal na ko. Of course, panalo ulit ako. Pero nahirapan din ako, naka 5 points si Mr.FHM eh. Hahaha! Basang basa ang t-shirt ko, pwede nang pigain. Maluwag ang hinga ko, batak na batak ang lungs ko. Masarap ang feeling. Nakaubos din ako ng 1.5 liters na tubig. Very healthy. Sa isang linggo na ulit ang laro namin. Tuwing sabado ng alas kuwatro ang usapan. Naghahanap pa kami ng makakalaro para mas masaya. Kung gusto niyong sumali, hindi pwede yung taga Singapore at taga Isteyts syempre, magsabi na lang kayo. Inimbita ko si Mother Kyum Kyum Gorbitch. Pumayag siya. Ano kaya ang mangyayari next week?
Abangan……
---------------------------------------------------------------
To improve both cardiovascular fitness and to decrease body fat or maintain body fat at optimum levels, you should exercise (cardiovascularly) at least three days a week at 20-60 min per session.
PUTANDING
Warning: 3 araw na kwento itong blog na to kaya napaka-haba. Baka ma-bato kayo. If symptoms persist consult your hair dresser.
Definition of Terms:
BUTANDING: or whale shark, the world’s largest and friendly fish, with the scientific name of Rhincodon typus.
PUTANDING: butanding na hindi nagpapakita kahit tatlong oras na kayong paikot-ikot sa karagatan; short for "putang inang butanding"
BOY TANDING: a.k.a. friends not food a.k.a. boy gulay. Now baptized as "boy tanding" dahil siya lang sa grupo namin ang nakakita ng butanding (wala naman siyang ebidensya).
MATANDING: ang tawag kay Tipangaks dahil sa katandaan ay hindi niya maalala kung san niya nailagay ang cd case niya na may lamang sampung orig na cds. Nadiskubre ko lang nung pagkauwi ko na nasa bag ko pala. Shunga talaga.
BUTATANDING: tawag sa mga grupo ng mga tao na nagpagod maghanap ng butanding ngunit hindi pa rin nila nakita - kami yon.
BUTANDING COJUANGCO: tawag sa whale shark na alaga ni pareng danding.
After about a month of coordinating our schedules and budgets, I along with Lavandera Fields, Boy Gulay and his girlfriend "L", and Tipangaks finally pushed through with our plans of meeting Purgaspeak and her hubby Papa "P" in Woodland Resort in Sorsogon (which is owned by Papa "P's" Family). Masyadong marami ang kwento kaya para hindi masyadong boring, schedule style na lang ang kwento ko.
Feb 5, Thursday
3:30 PM
I was on my way to cubao when Tipangaks called and said that our meeting place was in starbucks araneta center and that the bus would be leaving at 4:20 pm. Boy gulay and "L" was with her already.
4:10 PM
Walking toward starbucks, when tipangaks called again and said that they were on their way to the bus station. Meet na lang daw kami sa harapan ng Philtranco Bus 894. Labo, di man lang sinabi na tumuloy na lang ako sa bus station.
4:15 PM
Waiting in front of Bus 894
4:20 PM
Waiting pa rin in front of Bus 894
4:21 PM
Wala pa rin sila kaya nag-cr muna ako.
4:24 PM
Got back from the CR and still no sign of them. Checked inside the bus if they were still there, wala naman.
4:26 PM
Dumating na sila kaso wala si Lavandera Fields. Pumasok na kami ng bus at naghintay.
4:30 PM
Umaatras na ang bus, wala pa rin si Lavandera. Tinawagan ni Tipangaks si Lavandera, kakadating pa lang daw sa bahay galing opisina. Lavandera's house was about 10 min away from the bus station. Naki-usap ako sa driver na hintayin lang sandali yung kasama namin. Tinanong ng driver kung asan na siya, sabi ko "Andyan na ho yon naglalakad na."
4:35 PM
Wala pa rin si Lavandera, nararamdaman ko na ang init sa bus kahit sobrang lamig ng aircon. Nakakahiya na. Lahat ng tao naghihintay. Tinawagan ko si Lavandera, paalis pa lang daw ng bahay. Tinanong ko kung gano katagal siya bago dumating sa bus station, sabi niya 3 minutes daw. (ulul sinong niloko mo). Tinabihan ko ang driver para makipag-small talk para hindi mainip. Ang mga pasahero sa likod ko nagpaparinig na. "May hinahabol pa kami, antagal naman." Gusto kong sumagot na "Eh di lumipat kayo ng bus" kaso mabait akong tao eh. Wala pa rin si Lavandera. Umatras na yung bus hanggang sa likod ng terminal dahil meron nang gagamit ng parking slot nila dahil dapat 4:20 pa lang wala na kami dun.
4:45 PM
Naubusan na ako ng small talk kay mamang driver kaya tinawagan ko ulit si Lavandera. Patawid na daw siya papuntang terminal. Lumabas ako para sunduin siya.
4:50 PM
Umakyat na kami ng bus. Nag-sorry siya sa driver tsaka sa kundoktor. Ako ang nagsorry sa mga pasahero "Pasensya na ho kayo. Wag ho kayo mag-alala mamimigay ho siya mamaya ng pastillas." Sikat si Lavandera. Lahat masama ang tingin sa kanya. Hehe. Umalis na kaagad ang bus.
30 min pinaantay ni Lavandera ang bus. Antigas ng mukha. Ano pa kaya kung sumama si Butas?
6:00 PM
Dumating kami sa Pasay Terminal ng Philtranco, nagpa-gasolina ang bus doon. May mga bagong pasahero na sumakay kaya bumalik kami sa assigned seats namin. Magkatabi kami ni Tipangaks, Sa harapan namin si Boy Gulay at "L", sa likod namin si Lavandera na katabi ang isang manong. Hindi pa kami umalis kaagad kaya nagdaldalan na lang muna kami. Si Tipangaks ang pinaka-maingay, panay ang kwento tungkol sa kung ano-ano, panay ang inggles. Lahat ng kasama namin puro tagalog. Nakatingin yung iba sa amin. Nakakahiya. Pinakita ni Tipangaks ang cds na dala niya, puro orig ang dala niya. Maroon 5, U2, Moby, Meteor Garden Soundtrack, at iba pa. Hindi kaya kami ma-hold up dahil baka akalain na mayayaman kami? Nilakasan ko na lang ang boses ko (in tagalog) para ma-neutralize naman ang iniisip nila na mayaman kami.
7:00 PM
Umalis ang bus. Gutom na ako non. Kinain ko na lang ang mga dala ni Tipangaks na junk food. Tapos nakatulog ako.
mga 8:00 PM
Stop over sa Turbina sa may Calamba. Hindi ako bumaba. Natulog na lang ulit ako.
mga 10:00 PM
Bumukas ang ilaw, nagising ako. Stop over ulit. Somewhere in Quezon. Bumaba kaming lahat para kumain. Umorder ako ng menudo tsaka ginisang ampalaya tsaka 2 rice. Si Lavandera, pinakbet ang kinain. Yung Tatlo, puro gulay ang kinain. Tangnang presyo yan, isang order ng menudo, isang order ng ampalaya, at dalawang kanin, 85 pesos??? Eh sa platito nga lang nakalagay ang ulam eh. Presyong mall! Ibang klase talaga ang oportunista. Buti na lang magaling mag "thank you" ang cashier. Tsaka buti na lang may libreng betsin soup. Bago umalis ang bus, nag-cr muna kami. Pagsakay, konting daldalan at muni-muni tapos tulog ulet.
Feb 6, Friday
mga 1:00 AM
Bumukas ulit ang ilaw, medyo nagising ako. Kaso gusto ko pa matulog ulet kaya nagtalukbong ako ng sarong na hiniram ko kay Lavandera. Biglang may narinig akong tumutugtog ng gitara, kinakantahan ng "kasalanan bang mahalin ka ng lubusan," kung ano man ang title non. Dinungaw ko kung ano yung kumakanta na yon. Bulag na walang shades, namamalimos. Nung malapit na siya sa akin nagtalukbong ako ulet ng sarong para hindi mahingan, tutal hindi naman niya ko makikita eh. hehe. Nilagpasan niya ako tapos pumunta sa dulo ng bus sa likod. Extended version ata ang kanta niya, ang haba. Tapos bumalik sa tabi ko, antagal don, siguro mga isang minuto siya andun. Binabangga bangga niya ako. Para bang gusto niyang sabihin na "Hoy magbigay ka!" Feeling ko nakaka-kita siya. Si Tipangaks na katabi ko eh naririnig ko na nagpipigil ng tawa. Ewan ko kung ano ang pinagtatawanan pero balita ko may nangyari kay Lavandera, hayaan nyo na lang siya magkwento sa blog niya. Nung naka-alis na si Willy Garte, tinanggal ko yung talukbong ko. Nakita ko na yung kahilera ko sa kabilang gilid ng bus eh nagpapanggap na tulog din. Kaya pala kami binabangga. Malamang nga stir lang yung bulag na yon. Bumaba na lang ako para mag CR tapos bumalik ako kaagad para matulog ulit. Umalis na ulit ang bus.
mga 2:30 AM
Hindi ako nakatulog kaagad kaya nakipag-kwentuhan na lang ako kay tipangaks. Patindihan kami ng Taglish. Kwento sya about her adventures in Panglao. You know, the place in Bohol. She also made kwento her adventures in Pagudpod. You know, the place in Ilocos. She made kwento also her adventures in Sagada, and told me about how takot she was with caves. You know, fucking conyo. She also made kwento about her favorite companion of all time, the late Pat Ilang-Ilang. She made kwento once again about the accident with DetDet and Pat. It was so fucking tragic fareh. She made kwento about her childhood, that she wasnt allowed to play with fucking dugyot children. She hated kids with pawis you know. So arte. She was conyo of course, thats why she wasnt that outdoorsy. She told me that was close to be a fucking vegetarian if she had the lakas ng loob not to eat isda anymore. She told me about how fucking arte she was, that we should use moisturizer already because we were getting old. So fucking conyo fareh. She told me about her fucking blockmates during fucking college. She also made kwento about the badings of her life, Bum and Jay. She made fucking kwento about her sister Barang and her ex boyfriend greek guy. She made kwento about her other sisters. She made kwento about her fucking invisible kilay. She made kwento that she doesnt sleep in buses when she wasnt familiar about the fucking biyahe. That it was her first fucking time to make biyahe to bicol. Ayun nung naubusan na kami ng kwento tapos nagmumuni-muni na lang ako, pagtingin ko sa kanya, tulog. Not familiar with biyahe pala ha. She was making fucking hilik pa nga eh. So I fucking went to sleep na lang. Fuck Fareh.
mga 5:30 AM
Nagising ako tapos medyo nakikita ang silhouette ng Mayon. We were in Legazpi already. I asked if she saw the famous volcano. She said yes. Sabi ko "Ang ganda ng Taal no?"
mga 6:30 AM
Nagising ako dahil maingay na yung mga tao at nakatigil na ang bus. Nasa Putiao na kami, the town before Donsol. End of the road. Umaga na, labas na ang araw. Medyo umuulan. Masakit ang pwet kakaupo. Gutom. Kulang sa tulog. Groggy. At higit sa lahat, walang signal ang Globe. Hapon pa kasi dadating sina Purgaspeak and company kaya kailangan naming siyang tawagan para malaman kung pano pumunta ng Donsol at kung sino ang kakausapin don. Kailangan din namin makausap yung tita ni Papa "P" para sa directions kung pano sumakay papuntang Donsol. Buti na lang daw nanigurado si Tipangaks kaya nagdala siya ng Talk n Text na simcard. Gudayja! Magaling si Tipangaks. Dapat bigyan ng award. Yun nga lang walang load yung sim kaya kailangan namin bumili ng load. ("LOD???!!" JAK MAAWATAN!) Mukha kaming turista at mukhang walang alam sa lugar kaya lumapit ang isang tricycle driver at nag-offer na ihatid kami sa Donsol for 100 pesos only. Nagtanong kami kung saan pwedeng bumili ng load (LOD??!!). May tinuro siyang tindahan kaso hindi pa rin bukas. Tumambay na lang muna kami sandali sa silong ng isang tindahan na hindi pa bukas. Gutom na si "L" kaya bumili muna siya ng pandesal sa isang bakery. Habang naghihintay na bumukas ang tindahan ng load (LOD???!!) naglakad-lakad muna kami sa may pier ng donsol. Ang mga tao don ay kundi nagwawalis at nagbubukas ng tindahan, eh nakatingin sa amin. Tipangaks kasi is so fucking conyo eh. Lahat kami maputi. Nakakita kami ng magtataho kaya nilibre kami ni Tipangaks. Ibang klase ang lasa ng taho sa donsol, lasang isda. May pagka-maalat. Pagkatapos namin maubos ang taho, bumalik na kami sa dati naming pwesto at naghintay kung kelan magbubukas ang tindahan ng load (LOD??!!) Pagkatapos ng sampung minuto, bumukas na rin sa wakas ang tindahan ng load (LOD??!!) Sugod kami. Excited. Sa wakas makaka-alis na rin kami. Kinuha ko yung sim card na talk n text kay Tipangaks tapos nilagay ko sa cell phone ko. Tapos binigyan niya ako ng 100 para pambili ng LOD. Nagtanong ako kung ano ang available na LOD, sabi nung tindera 30 pesos, 60 pesos or 150 pesos. Sabi ko pwede na ang 60 pesos. Walang talk n text na card na available kaya e-load lang. Hiningi nung tindera yung number nung cell para mai-send niya yung LOD. Tinanong ko kay tipangaks yung number. Hindi daw niya alam. Hindi kami nakapag-LOD. Bawiin ang award kay Tipangaks! Itapon siya sa dagat!. Nag-suggest si Lavandera na sa RCPI or PLDT na lang kami tumawag. Magandang suhestyon. Kaso sarado pa nga. Sabi nung makulit na tricycle driver, meron daw siyang alam na bukas na RCPI kaya dinala niya kami don. Pagdating namin don sa RCPI, may katapat na bilihan ng LOD ng Globe at Smart. Ang tanong, bakit may bilihan ng LOD ng globe dito kung walang signal ang globe? Magandang tanong. Binunot namin lahat ng cellphone namin at biglang humirit si Lavandera na "May signal!!" Sa wakas! Ayun tumawag siya sa Tita ni Papa "P", si Tita Eden, at nalaman na namin kung pano pumunta don. Nag-tricycle kami papunta don.
mga 7:30 AM
30 minutos din ang biyahe from Putiao to Donsol. Dumating kami sa bahay ni Tita Eden tapos naki-cr sina tipangaks at "L" bago kami hinatid ng pinsan ni Papa "P" sa Woodland Resort.
mga 8:00 AM
Dumating kami sa Resort. Hindi white sands pero maganda siya, mukhang milyon-milyon ang ginastos. Mga dalawang hektarya. Magaganda ang mga cottage. Naka-bermuda ang lupa. Maraming puno ng niyog. Nag-check in muna kami sa inassign na cottage sa amin tapos pinakain kami ng almusal. Inayos na namin ang mga kama at gamit namin. Nagbihis na rin kami. Tagdalawang king sized bed ang laman ng kwarto. Magkasama si Boy Gulay at "L" sa isang kwarto. Tag isa silang kama. Kaming Tatlo naman ni Tipangaks at Lavandera sa kabila. Share kami ng kama ni Lavandera. Sabi ko wag nila akong pag-awayan. Matuto silang mag-share. Hehe. Sa susunod kay tipangaks naman ako kung gusto niya. Hehe. Longsilog ang pagkain namin ni Lavandera. Si Tipangaks at "L", Gulaysilog. Si Boy gulay, Gulaysipay - Gulay-Sinangag-Tinapay. Hehe.
mga 9:00 AM
Anong Pasyal?? Tulog!!!
mga 12:00 PM
Nagising ako sa lamig ng aircon at sa daldalan nila. Bumangon ako, pinatay ang aircon, humilata sandali at dumeretso sa veranda para makipag-daldalan din sa kanila. Gutom na rin ako non, gusto ko nang mag-lunch. Habang nagke-kwentuhan kami lumapit na sa amin yung caretaker para tanunging kung gusto na namin kumain. Si tipangaks yata ang tinanong pero walang sumagot ng oo o hindi. Masyado kaming immersed sa kwentuhan namin hindi na namin napansin na umalis na ang caretaker. Kaya pala antay ako ng antay kung kelan kami magla-lunch.
mga 2:00 PM
Dumating si Papa "P" kasama ang tatay at ng Kuya "D" niya. Sina Purga, dumaan pa ng Mayon para magpa-picture. Kumustahan. Kwentuhan. Tapos tinanong ako ni Papa "P" kung kumain na kami. Ang sagot ko hindi pa. Nagtaka siya tapos kinausap niya ang caretaker. Pagbalik niya, sabi nya alas dose pa daw nakahanda yung pagkain. Amputah, tama na ang daldalan. Lamunan na!
mga 3:00 PM
Tapos na kami kumain. Ang ulam ay gulay, isda, alimasag. Binanatan ko ang alimasag, minsan lang maka-kain non. Tapos habang nagke-kwentuhan na lang kami biglang may boses na sumigaw ng "Hellooooooo!" Dumating na si Purgaspeak, kasama Mommy niya tsaka kapatid niya, at si Bananaducky (siya pala yon, LB din). Andun din yung nanay ni Papa "P". Naglabas ng buko ang caretaker, at binanatan din namin syempre. Sobrang busog ako non. Pagkatapos ng kainan, pasalubong giving naman si Purga. Binigyan niya ko ng Gollum na firurine na nagsasalita na “My Precious”. Kakatakot ang boses.
Mga 4:30 PM
Nilabas ni Purga ang dati pa niyang pinagmamayabang na LOTR na Trivial Pursuit. Nilaro namin. Apat na teams/players ang kailangan maglaro. Kalaban ko si, Lavandera na binasa ang tatlong libro ng LOTR, si Purga na kung ano anong paraphernalia ng LOTR ang meron at ilang beses nang pinanood ang trilogy, at ang magkakamping mag-syota na si Boy Gulay at “L”. Si Tipangaks at Bananaducky ang taga-tanong. Si Papa “P”, miron. Kulelelat ako. Wala akong masagot. Classic question: What do hobbits do during eleven o’clock? Sagot: Nagjajakol? ? Haha! Inabot kami ng hapunan sa kalagitnaan ng laro kaya time out muna kami.
mga 7:00 PM
Dinner time. Konting kwentuhan.
Mga 8:00 PM
Tuloy ang laro. Naka-tsamba ako ng sunod-sunod sunod kaya nakahabol ako at ako yung naging first. Masama ang loob ni Purga dahil sine lang ang basis ko sa facts ng LOTR. Siya na napakaraming binutingting na documentaries at babasahin tungkol sa LOTR ang kulelat. Hehe. Buti na lang pinagbigyan ko siya at nagpatalo ako para makatulog siya ng mahimbing. Hehe. Kunyari hindi ko alam ang mga sagot. Natapos din ang laro sa wakas. Masaya ang laro, dapat magkalaban-laban sina Fukiman, B&B, Bulatemail, at Y_slaybelle. Mga adik lahat sa LOTR yon eh.
Mga 10:30 PM
Pagkatapos ng maraming kwentuhan at yosi, nagka-yayaan na magtulugan dahil maaga pa kami gigising kinabukasan dahil gagawin na naming ang main purpose ng stay namin sa donsol – butanding watching. Ligo, bihis at higa. Lights out. Kwentuhan kami ni Lavandera at Tipangaks tungkol sa sex. Ano pa ba ang paboritong topic ng comartssoc? Maraming natutunan si Tipangaks. Hehe.
Feb 7, Saturday
6:00 AM
Ginising kami ni Purga para mag-ayos na at mag-almusal dahil alas siyete daw ang alis ng bangka para mag butanding watching.
7:00 AM
Sumakay na kami nina Lavandera, Tipangaks, Papa “P”, Bananaducky, Boy Gulay at “L” sa bangka. May dala kaming snorkeling gear provided by Papa “P” - mask with snorkel plus life vest. Pagka-andar ng bangka, at pagka-laot naming brinief na kami ng butanding expert na kasama naming na mukha namang hindi expert. Pupuntahan daw namin kung san laging lumalabas ang butanding. Marami daw ang butanding doon sa lugar na yon. Umaangat daw sila sa tubig para magpainit sa araw kaya pwede daw namin hawakan. Makapag-interact baga. Pag may nakita daw kaming shadow sa ilalim ng tubig hintayin daw namin ang signal niya tapos pagka-sinabi na niyang mag-dive na kami, talon na kami sa tubig. Mga 45 minutes din ang travel papunta don sa butandingan. May kasabay din kami na tatlong bangka na naghahanap ng butanding. Puro foreigners sila. Pagdating namin dun sa butandingan nag-ikot ikot na muna kami, naghahanap na daw ng butanding ang “spotter”. Tapos biglang tumigil ang bangka, sabi ni mr. expert eh get ready na daw and assume the positon. Ano to hazing? Tapos may nakita na nga daw na “shadow”. Tapos nung ready na kami, hold muna daw kami. Pinauna ni mr. expert tumalon yung kabilang bangka na may sakay na foreigners. Tangna talaga o, bakit laging una ang mga foreigners? Basta maputi ang balat mo, ikaw ang priority. Wala kaming nagawa kaya hanap na lang ulit kami. Ikot ulit dun sa lugar na yon. Pagkatapos ng isang oras ng paghahanap ng “shadow” meron nanaman daw nakita pero nawala din kaagad. Hanap ulit. Nakatulog na ko kaka-hintay. Mamaya ginising na nila ako at meron nanaman daw na “shadow”. Tatalon na daw talaga kami, kaya bangon ako at nagsuot ng gear. Tapos ayun na nga daw, tumalon na kami ni Boy Gulay, Papa “P”, at Lavandera. Sumabay din yung kabilang bangka na may laman na foreigners din. Nagtalunan din ang mga foreigners. Nasundan nila yung butanding. Hindi ko alam kung nasan yung alangyang butanding na yon kaya sinundan ko na lang lumangoy yung mga foreigners dahil alam kong nakikita nila. Eh wala kaming flippers kaya hindi kami umabot sa butanding, tsaka napagod din kami maglangoy. Si Boy Gulay na magaling lumangoy nakahabol doon sa mga foreigners habang kaming tatlo, lulutang lutang sa karagatan nagpapadala na lang sa anod ng tubig dahil sa pagod sa paglalangoy. Pinulot kaming tatlo nung bangka habang si Boy Gulay ay nakikipag-interact doon sa butanding. Tapos nung sumakay na siya sa bangka, tinanong namin kung nakita niya. Sabi nya daw oo. Kita daw niya yung spots nung butanding, may nakasabit na remora fish sa dorsal fin nya, at pwede na daw niyang kalabitin ng paa niya kaso di nya daw ginawa. Sabi ko stir sya, wala naman siyang ebidensya. Hehe. Inggit. Ginutom na kami, napagkaisahan na namin umuwi dahil nawala na yung excitement namin. Habang pauwi na kami, biglang banat ulit si mr. expert na may shadow nanaman. Suot naman kami ng gear. Tapos get ready daw kami. Nakita na nga namin yung shadow, o baka guni-guni ko lang yon. Tapos nung sinabi na ni mr. expert na “Go!” Si Lavandera lang ang tumalon, lahat kami umupo lang. Hahaha! Nakakatawa pa yung itsura nung pagtalon ni Lavandera, nakatuwad. Alaskado tuloy siya. Excited daw siya masyado. Ayun hindi na nga namin nakita yung PUTANDING. Si Boy Gulay lang ang nakakita. Ang tawag na sa kanya nung araw na yon ay Boy Tanding.
12:00 PM
Lunchtime. Kwentuhan. Tapos nagyaya ulit maghanap ng putanding. Hindi na kami sumama nina Tipangaks at Bananaducky. Si Papa “P” at Lavandera sumama ulit. Nagtangka na lang kami maglaro ng Trivial Pursuit ulit kaso tinamad si Purga dahil mga walang kwenta kalaro si Bananaduck at Tipangaks. Nilabas na lang ni Purga ang binili niyang LOTR playing cards at hinulaan kami ni Tipangaks ng hulang bakla. Lovelife hula. Tapos tinuruna ko sila ng 99 na game sa cards, nag enjoy naman kami. Habang naglalaro kami, nakabalik na ang 2nd butanding expedition. Nakasimangot ang mga ungas. Tinanong namin kung may nakita sila, wala daw, BUTATANDING. Tinuruan ko na lang sila maglaro ng “bluff” natuto naman sila kaso , hindi sila magaling magsinungaling kaya balik 99 na lang. Kulelat kasi si Purga. Sila na lang pinaglaro ko, ako naligo na lang ako at natulog. Gumising ako mga 5 PM at nakipag kwentuhan na lang ako sa kanila.
6:00 PM
Dinnertime. Inuman ng konti tapos balik sa cottage para panoorin yung documentary about putandings. Kinabit ni Kuya “D” ang laptop niya, ginamit ko na rin yung pc speakers na dala ko dahil nakadiscover kami ng saksakan na bilog. Nakalimutan ko kasi magdala ng adaptor kaya hindi namin nagamit. Buti na lang nakita ni kuya “D” yung saksakan. Nung isasaksak na yung cd, ayaw basahin ng pc. Nadiskubre ni kuya “D” na may crack pala yung cd kaya isinalang na lang namin yung vcd na dala ni Lavandera, “My Sassy Girl”. Korean movie siya na parang mga chinovela pero hindi siya chinovela, movie siya. Huh? Labo. Medyo dragging yung unang half pero na-redeem niya yon dahil sa twist. Maganda yung storya, maganda ang twist, maganda rin ang babae, kamukha ni jenny sa endless love 1. Hehe.
11:00 PM
Tulugan na ulet. Sabi ni Purga pupunta daw kami sa island cove nina Papa “P” sa banding Masbate para mag-beach at mag-lunch pero kailangan daw naming umalis ng alas sais para hindi malakas ang alon. Kaya dapat alas singko pa lang gising na kami. Lights out. Nakipag-bonding ako kay Lavandera, nagkwento siya tungkol sa problema niya sa lovelife niya. Tulog si Tipangaks habang nagke-kwentuhan kami, napagod ata dahil naghihilik siya. Nakatulog na ata kami ni Lavandera mga alas dos. Natuwa naman ako at noon lang nag-open up si Lavandera sa akin tungkol sa kanyang buhay. Mas close na kami ngayon. Pero kulot pa rin siya. Hehe. Labo
Feb 8 Sunday
5:00 AM
Nag-alarm na ang mga cellphone namin. Kinatok na kami ni Purga. Parang mommy talaga. Magbihis na daw kami at mag-almusal dahil aalis na kami ng alas sais. Wala nang ligo-ligo, mababasa din naman kami pagdating namin dun eh. Nagtoothbrush na lang ako at nagbihis at binitbit ko ang tuwalya ko tsaka shades ko.
6:00 AM
Dalawang bangka ang sinakyan namin papunta dun sa island. Medyo isat kalahating oras ang biyahe papunta don kaya naghanap na lang ako ng pwesto dun sa likod ng bangka at natulog. Pagkagising ko, malapit na kami dun sa island. Nakita na namin yung mga islands na may caves. Ang ganda, parang sa national geographic. Tanga lang tong mga kasama ko, walang dinalang digicam. Tipid tuloy kami sa pictures.
8:00 AM
Nakadating rin kami sa island cove nina Papa “P”. Nakatayo na yung mga tent, iniihaw na yung mga isda. Hinahanda na yung mga pagkain. Kain lang kami ng konting suman tapos nagyaya na si Kuya “D” pumunta dun sa waterfalls. Mga 30 min na biyahe daw yun. Kaya umalis din kami. Ang sumama ay sina, Kuya “D”, Boy Tanding, “L”, Tipangaks, Papa “P”, Lavandera. Nagpaiwan si Manang Purga at Manang Bananaducky. Habang papunta kami sa waterfalls humilata ako sa tapat ng araw para magpa-itim. Para akong nililitson na manok dahil nilalagyan ako ni Tipangaks at ni Lavandera ng tanning lotion, sinasabi din nila sa akin kung kelan ako dadapa para yung likod ko naman ang maarawan. Sabi nga nila, turkey daw nila ako.
8:45 AM
Hindi pala 30 min ang biyahe, 45 min pala. Dumating kami dun sa waterfalls. Ang ganda sobra. Malinaw ang tubig dahil white sand ang nasa ilalim. Mga nasa dalawang poste ng meralco ang taas nung waterfalls. Dalawa rin yung waterfalls. Dun kami pumarada sa gitna nung dalawa. Tapos naglanguyan at nag-kodakan na kami. Dun ko na-discover na magaling pala lumangoy si Lavandera. Nabilib ako. Ako supot ako lumangoy, madali ako mapagod sa tubig. Lahat kami tumalon sa tubig puwera si Tipangaks. Sabi niya masisira daw ang contacts niya. So fucking arte talaga. Sa gilid ng waterfalls merong mala kweba na merong mga paniki. Lumangoy kami papunta don nina Lavandera at Boy Tanding. Sumunod si maya maya si Papa “P”. Medyo mabaho yung kweba, dahil siguro sa ihi at ebak ng mga paniki. Sa baho hindi ko napigilang humirit ng “To the Bat Smell!!”. Ayun, nagkodakan lang kami, kunyari kami yung apat na hobbits. Mga adik na kami sa LOTR. Umalis kami after 30 min at tumuloy kami dun sa beach na merong coral/rock formation na mukhang patong-patong na dominoes. Maganda rin ang spot na yon. Inakyat namin ang coral/rock formation na yon at nagkodakan. Si Tipangaks nagtangka umakyat pero tatanga-tanga, nagasgasan yung tuhod. Di na siya tumuloy. Pag nasa taas ka ng lugar na yon eh kitang kita mo na ang mga islands at karagatan. Maganda ang view. Parang LOTR ang feeling. Parang feeling mo si Aragolas ka. Habang lahat kami ineenjoy yung view sa taas at nilalasap ang simoy ng hangin, nakita ko na lang si Tipangaks dun sa baba, sa mababaw.na tubig nagtatampisaw. Pagulong gulong. May sariling mundo. Para bagang isang sea cow na nagsa-sunbathing sa beach. Nung pagbaba namin para sumakay na ulit sa bangka, tinanong ko si Tipangaks kung bakit hindi na siya tumuloy umakyat. Sabi niya she cant stand the sight of her blood. Eh para namang napakalalim ng sugat niya at napakaraming dugo ang lumalabas. Hindi naman. Gasgas lang naman. Kahit bata tutuloy pa rin ang laro kahit ganun ang sugat niya. So fucking arte talaga her. Hehe. Basta daw, kahit konti ang dugo, takot siya. Oh well. Basta masaya siya, masaya na rin ako. Umalis na kami para bumalik dun sa cove para mag-lunch.
11:30 PM
Kumakain na sila pagdating namin dun sa cove kaya kumain na rin kami. Ang pagkain ay sandamakmak na kanin, sandamakmak na inihaw na isda, isang wataw na kaldereta, sandamukal na adobong manok ata yon, at meron ding gulay syempre para sa mga kumakain ng damo. Pagkakuha ko ng kanin, sinalpak ko kagad ang isang inihaw na isda sa plato ko. Noong uurong na ko para kumuha ng gulay, may nakita akong kawali na may takip na medyo bukas. Sinilip ko kung anong laman. Nakita ko may orange, pula, at puti ang kulay. Napangiti ako. Pagkatanggal ko ng takip, Rejoice!!! Alimasag ang Laman!!!! Binalik ko ang isda na kinuha ko at kumuha ako ng isang alimasag. Naka-anim yata akong alimasag nung natapos ako kumain. Sarap! Nakangiti ako pagkakain ko. Lalo pa ko napangiti nung nakita ko na ang dessert namin ay buko salad. Haay! Ang sarap ng buhay. Ayun lobo tuloy ang tiyan ko. Pahinga lang ako ng konti at nag-snorkeling na ko. Magaganda ang corals. Medyo konti lang ang isda. Nag-underwater kodakan kami ni Lavandera dahil may dala siyang underwater camera. Umahon na rin kami pagkatapos ng kodakan. Mga ala-una umalis na rin kami pabalik na ng resort. Malakas na ang alon nung pabalik na kami. Rumarampa na ang bangka. Malakas na ang tilamsik ng tubig, imposibleng hindi ka mabasa. Habang rumarampa ang bangka sa mga alon ay parang akyat baba ang mga itlog ko. Halos isang oras din patalbog-talbog ang mga itlog ko bago kami dumating sa resort.
2:30 PM
Pagdating namin sa resort, tae-ligo-bihis kami. Tapos nag-ayos na kami ng gamit dahil alas sais ang alis ng bus namin sa Legazpi. Nagpaalam na kami sa mga host at sumakay na kami sa starex na maghahatid sa amin sa bus terminal. Habang bumibiyahe kami tinanong ni Tipangaks kung nasa amin daw yung cd case niya na may laman na sampung orig na cd. Sabi namin wala dahil wala naman siyang binibigay sa amin. Sinabi ko na lang na baka naiwan niya sa bus kaya tawagan niya yung main office ng philtranco at baka nakuha nila.
5:45 PM
Dumating kami sa bus station, nag CR bago umalis ang bus at umuwi na papuntang manila.
Pagkatapos ng ilang oras ng paghe-headbang at paghihilik. Dumating kami sa cubao ng 4:30 AM kinabukasan. Masakit ang pwet ko kakaupo. Pero masaya ako dahil nakapag-bakasyon ako. Masaya din ako kasi negro ako ngayon. Hinatid ko si Lavandera sa bahay niya na malapit lang sa sakayan ng jeep at pagkatapos non sumakay na ko ng jeep pauwing antipolo. Pagdating ko ng bahay, toothbrush, nagpalit kagad ako ng damit, at nag-unpack ako. Dun ko nakita ang cd case ni Tipangaks. Pano napunta yon sa bag ko? Si Tipangaks ay isang MATANDING.
KABLAG!!! 5…4…3…2….1…..Knockout! Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
----------------------------------------------------------------
Donsol, Sorsogon is declared as the worlds whale shark capital
KILL BILL ARCILLA
There are two things I like about violent movies. I like em bloody and gory. Napuputol na kamay, napuputol na paa, napuputol ang ulo, at sumisirit ang dugo. Dugo, dugo, dugo. Maraming dugo. Naalala ko tuloy yung kwento sa isang finals ng comartssoc, hindi ko matandaan kung sino ang nagkwento. Meron daw isang amuyong na pina-arte na vampire-vampiran, at dapat nakaka-takot siya. Eh ang problema bisaya ata or bulol sya. Mega emote muna siya tapos sinimulan niya with matching count dracula facial expression tapos biglang banat ng "Geste ke ng dege!" Ano daw??? "Geste ke ng dege!" (gusto ko ng dugo) Tawiwawngk! Sino na nga ba yon?
Anyway, if there is a gory and bloody violent film that really meets up with my standards it would be Quentin Tarantado's Kill Bill. Sobrang Astig. To the conyo's and feeling conyo's - "Ehhhstehhhg!" From the cinematography to the cast to the costumes to the dialogues to the fight scenes to the music to the special effects to the east to the west nee nee now nee now now nee now now nee now. Achechepacheche! Panalo talaga!
The movie is about revenge. Revenge, revenge, revenge. Isa-isa niyang hina-hunting ang The DEADLY VIPER ASSASINATION SQUAD (DVAS o diba? sana sinama na nila si regine, jaya, zsazsa atbp.). Ang tawag niya sa listahan niya ng papatayin ay "DEATH LIST FIVE". Astig! Pwedeng pangalan ng bandang metal. To tell you the truth, nawala yung pagka-peace loving creature ko nung natapos yung movie. Parang gusto kong bumili ng katana blade tapos maghanap ng away. Pero siyempre kung makikipag-away ako ayoko sa tondo. Wala akong laban sa pana tsaka sumpak. Kahit si Uma Thurman tanga kapag nakipag-away don.
The best thing about the cinematography ay yung pag-singit ng anime cartoons. Yun yung scene about the life of O-Ren-Ishii, Lucy Liu. Ang galing! Sobrang galing para na siyang Pepsodent - lasang bebelgam. Wawngk wawngk. Kahit cartoons sya, damang dama mo yung emotion nung storya, lalo pang tumindi dahil sa music. Anyway yung gumawa ng anime na yun ay Production I.G. Monster na pala sila sa animation industry. Gumagawa din sila ng games for Playstaston, Sega, and X-Box.
Ang pinaka-paborito ko sa movie ay ang mga chikabebes. Lahat sila mamamatay tao. Lahat sila orgasmic. Sa katunayan nga kapag naghubad ng sabay sabay yung mga yon sa harapan ko malamang labasan na kagad ako ng limang beses eh. hehe. Biglang magsa-strike ang sperm factory ko. Anyway, ang mga chikabebes na sinasabi ko ay sina:
UMA THURMAN - "The Bride" a.k.a. Black Mamba - to tell you the truth ngayon lang ako nagandahan sa kanya (i expect a violent reaction from malatemail), dati parang wala siyang dating sa akin eh, feeling ko mukha siyang transvestite. Ngayon isa na siya sa mga babaeng pinagpapantasyahan ko. Ang galing niya makipag-away with a katana, though hindi pa gaanong pino ang movements niya for martial arts pero carry na yon. She really looked good in that yellow "bruce lee" sports suit with matching yellow asix rubber shoes. It brought out the machismo in her. hehe. Lalo na nung naka-big bike na yellow siya. Potah! And if I may say it one more time...Ehhhhstehhhg!
LUCY LIU - O-Ren-Ishii a.k.a Cottonmouth - oooh yahh! siya yung half chinese-half japanese na naturalized american na Yakuza leader na tatahi-tahimik pero magaling pumatay ng tao. Ang mga bodyguard niya ay babae. Astig siya nung one on one fight scene nila ni Uma. Uma wearing the yellow "bruce lee" suit and Lucy wearing a white kimono. Shet parang feeling ko kapag binuksan ko yung kimono niya wala siyang suot sa loob. oooohhh yahhhhh! (russian accent). She handles the sword well in the movie. Parang marunong talaga. Tsaka ang galing nung pagkapatay sa kanya.
CHIAKI KURIYAMA - Go Go Yubari - eto ang yummy talaga. Isa siya sa mga bodyguard ni O-Ren-Ishii. 16 year old na mamamatay tao. May katok sa utak to, gusto lagi may pinapatay. Astig yung facial expression niya, nakakalibog. hehe. Lumabas siya sa movie na Battle Royale, patayan movie din yon. Psychotic din ang role niya don. Ang weapon of choice niya ay ang ball and chain. Gulpi si Uma Thurman nung nakalaban niya to. Pero siyempre patay din sya in the end. hehe. And the best thing about this chick?? Naka-japanese school girl outfit siya. My Gahhhhd! Ooooohhh Yahhhhhhhh!
JULIE DREYFUS - Sofi Fatale - eto ang best friend and lawyer ni O-Ren. Ang ganda rin ng babaeng to. French-Japanese-English ang languages na ginagamit niya. Ang costume niya ay black na chinese kimono or whatever they call it in china. Sexy pero kawawa kay Uma. Pinutulan siya ng kaliwang braso na walang kalaban-laban. Kawawa. hehehe. Lumabas daw siya sa The Crow series.
VIVECA FOX - Vernita Green a.k.a. cobra. Eto yung unang ka-fight scene ni Uma. Astig yung away nila using butcher knives as weapons. Parang "the hunted" baga. Halatang halata yung thongs nitong babaeng to sa jeans na suot niya, anlaki kasi ng pwet eh. Sexy talaga. Negrang masarap. Siya pala yung asawa ni Will Smith sa ID4.
DARYL HANNAH - Elle Driver a.k.a california mountain snake. San pa ba siya sumikat kundi sa Splash. Ngayon medyo matanda na rin siya pero hot pa rin. Panalo yung nurse outfit niya with matching eyepatch na puti na may red cross sa kanang mata niya. Wala pa siyang silbi sa movie dahil hindi pa siya naha-hunting ni Uma. Sa sequel pa malamang mapapatay to. hehe.
Isa pa sa mga costumes ang mga henchmen ni O-Ren-Ishii na mga naka suit na itim plus naka Kato mask. Weirdo talaga si Quentin. Halos lahat ng henchmen na yon pinatay ni Black Mamba. Hehe.
Here are some makamandag na quotes sa movie:
"Revenge is a dish best served cold" -Old Klingon Proverb -Introduction
"I can tell you with no ego, this is my finest sword. If on your journey, you should encounter God, God will be cut." - Hattori Hanzo (the swordmaker) upon giving "The Bride" the katana blade.
"You may not be able to fight like a samurai, but you can at least die like a samurai." - O-Ren-Ishii to "The Bride"
"Its mercy, compassion, and forgiveness I lack, not rationality." -"The Bride" to Vernita Green
"It was not my intention to do this in front of you. For that I'm sorry. But you can take my word for it, your mother had it coming. When you grow up, if you still feel raw about it, I'll be waiting." - "The Bride" to Vernita Green's daughter after killing Vernita Green.
"I might never have liked you. Point in fact I despise you. But that doesn't suggest I don't respect you."- Elle Driver to comatosed "The Bride"
At marami pang iba.....sobrang panalo ang pelikula!
At dahil sa sobrang panalo ang pelikula, kapag nagka-anak ako na lalake ang ipapangalan ko sa kanya ay Kill Bill Arcilla. Ano kayang magandang nickname? Hmmmmm.....
-------------------------------------------------
All of the clocks in the movie "Pulp Fiction" are stuck on 4:20. Daw.
KASAL HINDI SAKAL
Hindi normal sa lalake ang nagsusulat tungkol sa isang kasal. Pero bakla na kung bakla, magsusulat ako dahil natuwa ako sa mga pangyayari sa pinuntahan kong kasal kahapon.
Dumating kami mga bandang offertory na. Tatanga-tanga kasi itong matalik kong kaibigan na si Butas, late nanaman. Alas kuwatro ang kasal sa Makati. Marikina pa kami manggagaling. Alas tres ang usapan. Limang minuto lang mula sa bahay niya ang lugar kung saan kami magkikita. Apatnaput limang minuto naman mula sa panggagalingan ko. Sabi niya 3:30 na lang daw kami magkita dahil magpapagupit pa siya. Ayos lang sa akin dahil hindi naman ako nagmamadali, miron lang naman kami. Nagpa-late ako dahil alam kong hindi dadating sa oras ang ungas na yon. Usapan namin 3:30. Umalis ako 3:30. Dumating ako mga 4:10. Wala pa siya. Dumating siya 4:30. Wangk wangk. Supot talaga.
Mga 5:15 na nung dumating kami sa simbahan, offertory na nga. Papasok pa lang sa simbahan eh nakakita na ko ng mga lumang tao noong college. Nagyoyosi sila sa labas. Si Cricket anlaki na nang ipinayat mula nung huli ko siyang nakita, 60 lbs yata nabawas. Kasama niya ang asawa niya at ibang mga taga Calma dorm. Andun din si Mark Lopez, brod ko sa jammers'. Pagpasok namin nakita ko si Pinky the Buko Pie Princess, huli ko ata siya nakita sa LB, lasing. Hehe.
At siyempre andun si Mike at Blossom sa altar, kasalukuyang kinakasal. Pero wala kaming pakelam ni Butas. Namamalengke ang mga mata namin. Pag kinurot na ko ni Butas sa hita, ibig sabihin may nakitang chicks na nakakalibog yon. Pag may narining akong sound effects na tulad ng "Pawawngk-wawngk!" o kaya "Tawawawngk!", ibig sabihin may nakakatawa ang itsura. Pag humirit siya ng "Addapeyzez!" ibig sabihin may nakakatawa ang mukha. Pag "Addahairz!" ibig sabihin may nakakatawa ang buhok. Pag "Addajapormz!" ibig sabihin may nakakatawa ang damit.
Wala kaming ginawa don kundi mag-kurutan sa hita, gumawa ng sound effects, mag "addapeyzez", "addahairz", at "addajapormz". Bad boys.
Napansin ko din ang choir. Mahusay sila. Kumpleto ang bosesan mula alto hanggang soprano. Matindi ang blending. Ang nagpa-piano ay ang team mate ko sa volleyball varsity nung freshman pa ako. Babakla-bakla pa lang siya non. Ngayon bakla na ata talaga. Pag pumikit ka habang pinapakinggan mo sila, mai-imagine mo na para kang lumulutang papuntang langit. UP Alumni Concert Chorus ata ang tawag sa kanila. Mahusay.
Sa wakas natapos na rin ang kasal. Palakpakan na. Sabugan na ng bulaklak. Dun ko unang nakita sina Mike at Blossom ng malapitan. Nakangiti silang pareho. Masaya sila. Gutom na gutom na rin ako non. Paglabas ko ng simbahan nakakita ako ulit ng dalawang lumang tao. Six sigma sila. Si Adinda Tarheta. Kasama niya ang asawa niya na si Mark tsaka ang bunso niyang anak. Siyempre palitan ng cellphone number. Kumustahan. Andun din si Cris na isang Six sigma din, sikat na vet na ata siya ngayon. Dumating din si Islaw nung alisan na papuntang reception. Naka barong tsaka naka cowboy boots ang loko. Jim Morrison na naka-barong. Ako, F4 na naka-barong. Si Butas, Baba Segal na naka-barong. Hehe.
Hindi kaagad nagsimula ang reception dahil yung huling gumamit ng function room eh late na natapos kaya inaayos pa ang kwarto nung pagdating namin. Si Kat Balakang ang flower arranger (o kung ano man ang tawag don) nina Mike. Mas malaki na ang balakang niya ngayon dahil may baby na siya. hehe. Pero maganda pa rin (in case na mabasa niya to). Mga bente minutos din naghintay ang mga tao bago nakapasok. Sa New World Renaissance Hotel nga pala ang reception. Maganda ang hotel. Maganda rin ang set-up ng reception. Maraming naka-kalat na petals ng roses. Kahit sa ibabaw ng mga table. May naka-set up na gamit para sa tugtugan. Maganda ang sound system.
Si Sheryl Flores ang nag-escort sa amin papunta sa table namin. Kahit mommy na siya, hot na hot pa rin. Sexy pa rin. Magkakasama kami nina Islaw at Butas sa iisang table. Habang nagke-kwentuhan kami dumating yung mga iba pa naming kasama sa table. Tatlo sila. Lumang tao din. Six Sigma. Si Badette, si Arvee, tsaka si Friends Not Food. Si Badette hindi ko alam kung six sigma siya pero economist na pala ang luka ngayon. Si Arvee hindi kami close pero mas pumayat sya, mas maganda siya ngayon. Si FNF, maikli na pala ang buhok. Vegetarian pa rin. May special vegetarian food na para sa kanya dahil puro pang carnivores ang pagkain. Sinabi ko nga sa kanya na may special surprise para sa kanya eh. Sabi ko may crispy pata at kare-kare para sa kanya. Syempre hindi sya interesado. hehe.
Fine dining ang kainan hindi bouffet na lamunan. Masarap ang pagkain, hindi ko lang alam ang tawag sa kanila. Jologs talaga ako.
Umandar ang program. Panay pukpok ng mga tao sa mga baso. "Ting ting ting ting!" Halik naman ang bagong kasal. Masakit siguro ang panga nila pagkatapos ng reception. Nakangiti pa rin si Mike at Blossom, hindi sila mukhang pagod kahit alam kong kanda-ugaga sila sa preparasyon ng kasal. Nag-eenjoy silang dalawa. Yun nga lang mukha silang utu-uto dahil kada batingting ng mga tao sa baso eh halik lang sila ng halik. Pero enjoy sila.
Ipinatawag na ang lahat ng single na lalake at babae. Hindi ako tumayo dahil nung huling kasal na pinuntahan ko, ibinato mismo sa akin ang garter. Traumatized ako. Hehe. Nanood na lang ako. Iba ang diskarte sa pagpili ng lalake at babae na "pagtitripan". Sa lalake, mga itlog na plastik ang ibabato imbis na garter , . Maraming sumali, kaya maraming itlog. Kung sino ang hindi makakuha ng itlog, siya ang mapipili. Sa babae naman, rose ang ibinato. Kaya ayun sinalaksak ng lalaki ang garter sa hita ng babae. Tapos. Masaya.
Nag-duet yung mag-asawa ng "Everlasting Love" by the Company. Ok din. Marunong palang kumanta si Bloss. Nakakatuwa silang dalawa. Pagkatapos nilang mag-duet tinugtog ni mike ang kinompose niyang kanta para kay blossom sung and backed up by isang live band. Awwwwwwww. Ang ganda ng kanta. Pang metro pop. Matindi talaga si Mike. Pero ayokong kiligin, baka mawala ng pagka-macho ko. hehe. "Nakakatuwa pare!" (low macho voice) Yun na lang ang hinirit ko. Hehe.
Pagkatapos non, nag cut na ng cake, nag-speech na ang mga dapat mag-speech, nagbigayan na ng souvenirs. Tumugtog na ang live band ng mga 70's disco music. Nagpasiklaban kami nina Butas at Al Sese ng mga sayaw na patawa. Nag robot-robotan si butas. Ako nag DOM dance (yung twist na naka-thumbs up na wala sa tiyempo yung kendeng, sabay nakapikit at naka-kagat labi). Si Al nag strutt. Masaya. Hinatak ako ni Kat sumayaw sa dance floor. Kasama namin sumayaw sina Cricket at Sheryl. Mga lolo at lola na nagsi-swing ang ibang nasa dance floor. Oldies but goodies.
Dahan dahan nang naubos ang mga tao habang tumutugtog ang banda. Umalis na rin kami ni Butas habang tumutugtog ng "Le Freak" (Frek out! le frek, sh-shek). Habang papunta kaming kotse eh pinag-uusapan pa rin namin ang mga chicks na nakakalibog don sa kasal. Manyak talaga si butas.
Mukhang magtatagal sina Mike at Blossom. Kitang kita sa kanila ang pagka-inlababo nila. Shet tama na ang comment na senti. (macho voice) "Lalake ako! Lalake! Gusto ko ng chiks!"
________________________
Sabi nung teacher ko sa poultry production nung college, kaya dove's daw ang ginagamit sa kasal ay dahil monogamous sila. Yun nga lang bagsak ako sa subject. Pero at least may natutunan ako. Wawngk wawngk.
MR. CONYO MEETS MR. DELICIOUS IN 2004
Fuck pare, its fucking 2004 na pare! And you know what pare, in a few moments I'm gonna be interviewing a guy that I've been idolizing all my life. Fuck pare, I'm so excited pare! He's Mr. Delicious pare, and he's so cool pare!!! Here he comes pare! Catch you later pare....Fuck!
MR. CONYO: (nervous) Good evening Mr. Delicious sir, I'd like to have an interview with you if you don't mind sir.
MR. DELICIOUS: No, I don't mind. Shoot. (smiles)
MC: Sir, let's talk about your life in 2003 for a while sir. What were the major events that happened in 2003?
MD: Well, nothing really major careerwise, I've been a bum last year. And the last year too.(snickers) Not much progress in career though I tried to make one. Hehe.
MC: Does being unemployed bother you?
MD: Hmmm. That's a good question. Yes it bothers me a lot. It's really ironic that people say I'm a smart, talented guy who knows something about almost everything, yet at the same time, unemployed. They keep asking me, "Why dont you find a job?" We're talking about the Philippines here bro, it's not the land of flowing milk and honey. First of all, you gotta have a respectable CV. Now when I say respectable, that means having graduated from UP, ADMU or DLSU or whatever school. And of course like the job ads always say, "must be a graduate of commerce, business ad, engineering, etc." I DON'T HAVE THOSE CREDENTIALS. My course is agribusiness, my school is CvSU (saan yun?), and I am not a graduate. Now suppose you are the HRD head of a corporate entity here in Manila, would you bother to take a good look at my resume' once it gets into your hands along with other resume's that contain graduates from respectable schools? I guess not. My resume' goes to the paper shredder. Actually it could be 50 paper shredders.
MC: How about call centers?
MD: I don't mean any offense but call centers though they pay good, kill you slowly. Its not worth risking my health for that kind of job. My sister works in a call center and her health is going way down the line. Poor girl. But hey, I haven't tried it yet, I might enjoy it. But i'd like to try something related to my course first.
MC: So where can you find these agribusiness related corporations?
MD: They're scattered here in manila, there's SMC, General Milling INC, etc. But like I've said they don't want me. hehe. So there's no other place for me but to employ myself. That is to engage in some sort of business. And Im lucky enough that some rich guy found me in the pits and wanted me to manage his farm. And because of that, Im going to make him richer. (winks)
MC: When is this going to happen?
MD: Mr. rich guy promised me that i'll be starting anytime this january. So im just keeping my fingers crossed and hope it really happens. Gawd, ive been waiting for almost a year.
MC: That's good news sir.
MD: It really is. Let's just pray it happens.
MC: Enough about career, lets talk about other things. How about love?
MD: Love? Ano yon??? (laughs)
MC: Any interesting ladies you' d like to hook up with?
MD: Well there are lots of interesting ladies out there and i'll need money first to make it more interesting. And besides, I just came from the worst relationship of my life and im still trying to get over it. I used to be bitter about it but I decided its time to move on.
MC: Worst relationship??
MD: Its kind of a long story. But to make it short let's just say that it made me discover that I had the ability to stretch my patience a thousand miles more than any guy in the world. (smiles)
MC: I see..sounds sad.
MD: It was. But I learned a lot.
MC: How about friendship? How was it in 2003? Gain any friends? Lost any?
MD: Friends, they are my life's gasoline. I met new people, and so far I'm happy that i've met them. Some of them are ex-officemates of malatemail. I learn a lot from them. They're walking english and trivia books. I've become closer to three frineds last year. I could tag them "Friends of the year". They've been with me through my worst, even though two of them are from overseas. And they're bloggers too. Malatemail, Durgaspeak, and Leigh Cheri. They're my angels. Cheers to you! I lost a friend though. He's my friend in Cavite, he died of a stroke at a young age of 21. Antakaw kasi eh.
MC: So what are you're plans in 2004?
MD: Well, assuming the farm materializes this january, there's a lot to do in my list. I'd like to be back in the music industry. Id like to visit malatemail in singapore. Id also like to visit a friend in east timor. Haven't been to boracay yet, so I just have to be there this summer. hopefully i could help other people by giving them jobs. also help my non-business oriented friends to engage into some kind of business para mayaman kami lahat. and hopefully by the end of the year, get a new car. learn silk screen printing. learn hydroponics. start growing shitake mushrooms for extra income. play a lot of basketball. and make new friends. meet at least 3 celebrities. send my mom and sister to hongkong for a shopping spree. buy a new guitar for my brother. and many more!! all of that if the farm happens.
MC: Seems like a busy year for you sir.
MD: It should be, I've been hibernating for years.
MC: Well I guess that would be all sir. I hope everything goes well for you this year. And Id really like to shake your hand sir. (shakes hand of MD) You are "the man" sir! Im just a guy with lots of money, and nothing else. I wish I were you sir. (blushes)
MD: Thank you. This year, we'll have the best of both worlds.
MC: There he goes, that was the man of 2004 (teary eyed). Move over Mr. Suave. Mr. Delicious is taking your place this year.
MC: Fuck pare! What a man pare!!
-----------------------------------------
MTV first aired at 12:01 AM on August 1, 1981. The first video was 'Video Killed the Radio Star' by the Bugles.